Leave a comment

Sino Nga Ba?

Retorika

writing workshop

exercise 3: ARGUMENTATIVO

     Hindi ako makagawa ng aking desisyon. Sino nga ba kay Simeon at Chino ang aking papanigan? Silang dalawa ay kapwa ko kaibigan. Kaming tatlo ang pinakamalapit sa isa’t-isa. Ngayong nahantong sila sa isang ‘di pagkakaunawaan, ako ay naiipit sa kung kaninong panig nga ba ako lalahok. Narinig ko na ang panig ni Simeon at sa mga sinabi niya sa akin ay idinidin niya na si Chino ang may kasalanan. Ngayong kausap ko si Chino, inamin naman niya na siya nga ang nagkamali at nais niyang itama ang nangyari. Wika ni Chino na niya ninais na mangyari iyon. Sinabi pa niya na handa niyang tanggapin ang lahat ng masasakit na salita na maririnig niya mula kay Simeon sa kundisyong magbabati rin sila. Maayos kausap si Chino sapagkat handa naman siyang humingi ng kapatawaran mula kay Simeon. Ang pinag-awayan ni Simeon at Chino ay ang pagkakasira ng kanilang proyekto na inambagan nila ng pagpupuyat at pagpupunyagi sa loob ng dalawang linggo. Gayo’t napakaliit na bagay, ito ang natatanging determinasyon ng kanilang marka sa isang asignatura. Datapwat ako’y kabilang rin sa paggawa nila ng proyektong ito, minabuti ko na lang na ayusin muna ang problema ng dalawa kong kaibigan at pagkatapos ay gagawa na lamang kami ng panibago. Sa puntong ito na aking kinalalagyan, bakit ako pipili ng panig ng isa gayo’t hawak ko ang kapangyarihan na itulay muli ang kani-kanilang pagkakaibigan sa isa’t-isa. Sa halip na palalain ko ang kanilang ‘di pagkakaunawaan ay pagiibayuhin ko ang kapayapaan.

Lemme Hear You Say Waaah...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: