Leave a comment

Larawan

Retorika

writing workshop

exercise 2: NARATIVO

     Hindi ko makuhang makatulog. Sumagi sa isip kong silipin muli ang mga larawang nakapatong sa lamesa. Akalain mo nga naman, kung titingnan ang itsura ko noon, hinding hindi na kahawig ng sa ngayon. Sa tuwing tinitingnan ko ang mga larawan, hindi maiwasang bumuhos sa isip ko ang mga alaala. Bumabagabag ang ligaya at lungkot ng nakaraan na nagtutulak sa akin na magbuhos ng ngiti at luha. Nakisilip kong muli ang larawan ng barkada. Tatlo sa kanila ang hindi ko na nakikita. Dalawa naman ay nasira ang pagkakaibigan namin. Isa ang naging kasintahan. Pinagmasdan kong mabuti habang sumasariwa sa isip ko ang naglipas na mga taon. Masaya ang buhay, maganda ang agos ng mga pangyayari. Ang barkada namin na walang hinangad kundi abutin ang walang hanggang pagkakaibigan. Inisa-isa ko ang mukha ng bawat taong nakaguhit sa larawan. Si Lara na minahal ko ngunit nauwi kami sa paghihiwalayan. Si Nathaniel na nakaaway ko dahil sa pera. Si Rafael na hindi ko nakasunduan dahil kay Lara. Si Irene na nilisan na ang bansa para mag-aral sa New York. Si Kael na nag-aaral naman sa Maynila. At si Tom na minabuting mag-trabaho muna bago mag-aral. Sa labindalawang mukhang nasa larawan, lima na lamang ang nanatiling kasama ko sa ngayon. Sa tuwing nakakasama ko ang limang ito, nararamdaman naming hindi na nga kami tulad ng dati. Iba pa rin talaga ang hayskul. Ang limang ito na lamang ang itinuturing kong pinakamalapit at pinakanataatangi sa akin. Minsa’y naisip ko, magagawa rin kaya nilang ako’y lubayan? Ibinaba ko ang larawan at naglakbay sa aking isip. Sa pabaon ng mga alaala ay natukso rin akong matulog. Ang araw na ito ay kabilang na rin ng aking alaala. Ngayon ako’y naglalakbay sa panaginip at naghihintay sa bukas pang darating.

Lemme Hear You Say Waaah...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: