2 Comments

Bakit Nga Ba?

Retorika

writing workshop

exercise 4: Ekspositori

     Tatlong linggo na akong puyat at tila nagtitimpi ang damdamin sa tadhana kong ito. Kung babalikan ko ang mga araw na ipinaglaban ko ang kursong ito, tila napakarami kong dahilan kung bakit. Ngunit sa pagkakataong ito, ako na mismo ang sumusuko. Ngayon, ako na mismo ang nagtatanong sa sarili ko. Bakit nga ba? Dalawang taon ang lumipas nang nagtagumpay akong pasukin ang kursong Komunikasyon sa isang dalubhasaan. Sa halip na sundin ang kahilingan ng aking ina na kunin ang kursong Nursing, namayagpag ang kagustuhan ko at piniling tahakin ang buhay ng pagsusulat kaysa sa paggagamot. Ninais kong lakarin ang daang nilakbay ng mga taong napapanoon ko sa telebisyon. Ginusto kong pag-ubayan ng pansin ang larangan kung saan ako ay natatangi. Iyon lang ang aking mga dahilan kung bakit, ngunit ayos na. Nung una’y masaya. Nagkamit ng matataas na marka at nakilala sa natatangi kong abilidad sa larangan ng pakikipanayam at pagsulat. Subalit sa ngayo’y mirapat kong isaalang-alang ang aking desisyon at sumuko. Sa mga oras ngayon, pagod na ang bugbog kong katawan, luwa na ang aking mata, umaayaw na rin ang dati’y tigang kong pagnanasang magtagumpay. Pasintabi sa mga guro, ngunit naabuso na ang aking katawan dahil sa tambak na trabahong ibinibigay nila. Pasintabi rin sa mga kamag-aral kong patuloy na umaasa sa akin at tila walang kakayahang kumilos sa sarili nilang paa. Sa isang nakatutuwang pamumutawi ay napagtanto kong gamitin na lamang ang mga bagay na ito bilang hamon sa akin. Siguro sa panahong may sarili na akong karera ay mas higit pa sa tatlong linggong pagpupuyat ang aking mararanasan. Ituturing ko na lamang ang mga problemang ito bilang pag-eensayo sa sasalubungin ko pang mga taon. Ang pag-aaral ko ng kursong Komunikasyon ay isang mahalagang aspeto sa aking buhay at kinabukasan. Ngayon, bakit ako susuko?

2 comments on “Bakit Nga Ba?

  1. hehehe…nakakatuwa, eto lang masasabi ko… “great power comes great responsibility” (watch spiderman) nyahah!!! pero totoo yan huh… you have the talent in writing! kaya yan ang inabot mo sa course mo!!hehehe,

    isa pang nakakatuwa,hehehe, idol na kita!!! kasi actually, ako sa sarili ko, di ko alam gusto ko… kaya ako’y isang dakilang nursing student!!!hehehe, idol na kita!!! you know what you want! aztig!!! pinaglaban mo talaga yang course mo! wow! kahit namang saang kurso ka mapunta, laging may kasamang hirap… “mas masarap maghirap sa kung saan ka masaya, sa kung anong gusto mo”hehehe, kesa naman nagnursing ka nga, nahirapan ka pa, eh di… sinisi mo ngayon ang iyong ina dahil hindi mo sinunod ang gusto mo… kaya aj!!! GO!! FIGHT!!! hehehe, God would always be there for you!!! God Bless!!!

  2. omg, sweetie… are you okay??
    it seems that ur supehr tired na..😦
    im always ir ah… kust a text away. ingats! misd u.

Lemme Hear You Say Waaah...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: