5 Comments

Ang Laway Ni Ama ay Katumbas Na Rin Ng Kamandag

"Wala kang kwenta! Lintik ka!"

Nakakagulat. Kahindik-hindik na salitang binitawan ng aking ama. At sa gitna ng aking katahimikan habang pinagninilayan ang pinggan ng kanin at corned beef sa hapag na aking kinauupuan ay hindi ko mapigilan ang sakit na tumatagos sa aking damdamin.

"Wala kang kwenta! Lintik ka!"

Ikailang beses na kayang isinigaw niya ito sa akin? Na minsan pa nga’y parang dinuduraan na niya ang aking mukha… ang aking pagkatao. At sa pagkakataon ito at gaya ng parati ay itinulak na naman ng ginintuang alak ang pagsasabi niya nito. Habang umiikot ang ulo ng aking ama ay nagpasabog siya ng nakasusugat na mala-palasong salita.

"Wala kang kwenta! Lintik ka!"

Habang kinatatampukan kong pausbungin ang aking kamanhidan ay pilit na dumadanak ang lason. Blangko man ang aking mukha ay lumalaban ang aking luha na tumulo!

"Wala kang kwenta! Lintik ka!"

Nabibilang ako sa pamilyang tinalikuran na ng tagumpay… pinagdamutan ng biyaya… binigo ng pagmamahalan. Ngayon ako ay sabik sa pagtangkilik ni ina, ngunit nagugutom rin sapagkat may puwang sa aking puso ang taong sa palagay ko’y hindi ako itinuturing an mahalaga.

"Wala kang kwenta! Lintik ka!"

Sa mata ni ama ay bumubulusok ang galit. Sa mga mata niya ay hindi na niya ako anak. Sa mga mata niya ay ako ay larawan ng salot… ng basura… ng walang kwenta! Lintik!

"Wala kang kwenta! Lintik ka!"

Hindi ko siya masisisi. Ako ang dahilan kung bakit ang mansanas ng pag-ibig na pumupuno sa aking ama at ina ay nalagay sa karimlan… Nahakot ko ang katotohanan na sa kabila ng pagkain ni ama ng mansanas ay humihigop din siya ng katas ng buko ng iba… Ako na kanyang bunga ay tumubo na at nagkamalay. Ako na tila lantutay na ay nananatiling nakatayo kahit papaano.

"Wala kang kwenta! Lintik ka!"

Ngunit sino ang walang kwenta? Sino ang lintik?!

Ako?

Ni minsan ay hindi ko naramdaman na binuhay mo ako.

Katiting na pagkakataon kong nasilayan na mayroon kang kwenta.

Hintayin mo… balang araw… malalaman mo rin na hindi ako lintik!

"Wala kang kwenta! Lintik ka!"

Ayaw kong patunayan ang sarili ko sa iyo sapagkat hindi ko ninanais buhayin ang patay kong pagkatao sa harap mo.

Sapat na matandaan mo ang aking mukha.

Sapat na huwag mo akong saktan.

Sapat nang hayaan mong dumaloy ang dugo mo sa akin.

Sapat nang bigayn mo ako ng pangalan.

Kakampi ako ni ina, karamay mo rin naman ako. Ang tahanang pilay ay tila wala nang pag-asang maghilom. Hindi pamamaalam ang sagot, hindi kamatayan ang  paraan para makaraos. Saksi ko ang sakit at takot. Saksi ko ang pag-asa. Ngunit ang pinaka-mabisa kong mapaglalaanan ay ang dasal.

Oo… ama kita. At oo, anak mo ako. Ngunit wala kang karapatang sabihing "Anak lamang kita. Wala kang kwenta! Lintik ka!"

Sapagkat wala rin akong karapatang sabihing "Ama lang kita, luluhran mo rin ako!"

Nais ko sanang mabuhay sa paghihiganti sa iyo. Ngunit mas nananaratay ang pagmamahal ko. Kay lapit mo man ngunit kay layo din.

"Wala kang kwenta! Lintik ka!"

I’m Sorry. Thank You. I Love You. P.S.: F**K Y**!!!

5 comments on “Ang Laway Ni Ama ay Katumbas Na Rin Ng Kamandag

  1. kahit na gnyan.. u r still blessed my tatay ka.. at lintik!! akalain mong pinapansin ka pa?? haha:) kung sa tingin nya wala kang kwenta at lintik ka.. sana pwede kong ipahiram sa tatay mo ang mga mata ko, para malaman nya ang tunay mong halaga.. mahal kita wag mo kalimutan yan:) ako na lang tatay mo..pwede~.~ i love you aj.. i miss you… dont wori…luluhod din ang mga tala sa lupa (yuckkk!! anu ba un?) heheheü someday, somehow..he’ll realize u’r worth mor dan wat he xpect or think of u to be… cheery cheer up… ibandera mo ang kgandahan nating lahat…;) mmmwwwwaaaaaahhhh…

  2. d0nt w0RRy y0ur n0t al0ne.. al0t of pe0ple shaRe the samE burdeN..

  3. hi…don’t even know much about u,..pero lam mo,ang totoo,u only hide ur feelings to ur tatay!…i know u don’t hate him that much!nasasabi mo lang yan kz my mga nasabi siyang labis kang nasaktan!ryt?!(correct me if i’m wrong)…i do,have only a father now and I can’t think of losing him!mahal na mahal ko tatay ko!even if he doesn’t care about me!marerealize mo yan when the time comes that ur father needs u…kahit ganyan mga cnasav mo ’bout ur tatay,i still believe that u do,love him so much!…[thanks to him coz ur here for ur friends!]…u got ur friends…i admire the way u express ur thoughts and feelings!..CheEr Up AJ!

  4. hi…don’t even know much about u,..pero lam mo,ang totoo,u only hide ur feelings to ur tatay!…i know u don’t hate him that much!nasasabi mo lang yan kz my mga nasabi siyang labis kang nasaktan!ryt?!(correct me if i’m wrong)…i do,have only a father now and I can’t think of losing him!mahal na mahal ko tatay ko!even if he doesn’t care about me!marerealize mo yan when the time comes that ur father needs u…kahit ganyan mga cnasav mo ’bout ur tatay,i still believe that u do,love him so much!…[thanks to him coz ur here for ur friends!]…u got ur friends…i admire the way u express ur thoughts and feelings!..CheEr Up AJ!

Lemme Hear You Say Waaah...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: