1 Comment

dalawang gramong bawal

Nararapat lang siguro na gawin ko ang anuman ang aking nais sapagkat katawan ko naman ito. Napag-desisyunan kong magpapayat. Kaya ayan sinubukan ko nga.

Ngunit nakakatakot pala. Ginapang ako ng pag-aalala nang mapansin kong lumalabas na ang mga payat ng buto ng aking daliri. Unti-unti na ring bumubukol ang mga ugat sa aking mga paa. Tuwing tumitingin ako sa salamin ay walang iba akong namumutawi kundi ang pugto at mapula kong mata at ang tuyo kong labi. At ayan na nga… dahan-dahang nagsimula ang mga gabing walang katulugan…

Insomniac. Aswang. Adik sa dilim.

Masakit mang pakinggan ang huli ngunit iyon ang tugmang maitatawag ko sa aking sarili. Dalawang linggo ng pag-iisip. Dalawang buwan ng pag-iisip. Dalawang gramo ng  kanin – ang bawal na pagkain ng mga gustong maging sakitin.

 

Ang buhay ko buong bakasyon ay malungkot. Malagim. Mahasik. Trahedya na nga kumbaga. Nakuha ko mang ngumiti ngunit sumasailalim pa rin ang luksa.

Mahirap. Gusto ko nang sumuko.

 

Sa palagay ko’y tanging pagkain na lamang ang may kontrol ako. Sa pagkain ko naiidikta ang gusto kong mangyari, na sa kabila ng mga bigong pag-asa at walang katuparang mga balak ay pagkain ang nagsisilbing instrumento na pinagkukuhaan ko ng tagumpay. Ngunit lumabis yata sapagkat dumating sa puntong wala na akong kakayahang ipikit pa ang aking mga mata upang mahimlay o isara ang aking isip sa mapait na sinapit ng aking buhay. Hindi ko rin pala kayang takasan ang problema. Tatlong patak man ng kanin ay dinagdagan ko na. Hanggang sapitin ko ang puntong lumobo nang muli ang aking kalamnan. Ang dalawang gramo na aking inaakay sa aking tiyan araw-araw ay nawala. Ang sakripisyo ay kinain ng problema. Ang kagustuhan ko ay nilamon ng takot. Ang araw ay napunta sa bunganga ng karimlan. Ang buhay ko’y tinuldukan ng lungkot.

 

Dalawang gramo ng biyaya ang tila nalusaw sa wala. Ang una ay si ina at ikalawa si ama. Hindi pa naman sila patay ngunit sa pangyayaring ito sa buhay ko ay maging ako ay tinangay na rin sa libing.

Dalawang gramo ng pagmamahal ang sa akin ay ipinagdamot. Sapagkat kung ang pamilya ang itinuturing kong huling hugutan ko ng lakas na ipinag-ibayo ng pagmamahal ay hindi ko na tila mahawakan pa.

Dalawang gramo ng kanin sa umaga.

Dalawang gramo naman ng nikotin sa gabi.

Dalawang dosena ng kape sa dalawang araw.

Dalawang pagkatao ko ang dinungisan — Portes at Luna.

Dalawang taong mahal ko ang napalayo.

Dalawang oras ko ring napagtanto.

Dalawang kamay ko’y patuloy na kumakapit.

Dalawang mata ko’y tila nakapikit.

Dalawang tenga ang humihiling na huwag nang  makarining.

Dalawang labi ko’y nakadikit sa katahimikan.

Dalawang bagay ang hindi sa patuloy kong pinaniniwalaan – pag-asa at pagbabago.

At may dalawang hindi mawawala – sarili ko at ang Diyos.

One comment on “dalawang gramong bawal

  1. galing neto. ala- bob ong ka na, aj! publish a book nga din?🙂

Lemme Hear You Say Waaah...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: