2 Comments

Usok ng Sigarilyo

Lumaya ang usok mula sa nagsisigang na sigarilyo,

ayon at lumulutang…

nagsasayaw sa saliw ng tunog ng katahimikan!

Naghahanap sa isang sulok na madilim

at naghahasik ng lagim…

kinikitil ang maikling agos ng aking buhay.

Nagsasayaw ang usok

sa gitna ng kawalan.

Pinapanood ko and pagkalat nito

hanggang sa tuluyan nang malusaw.

Nanggagaling ito sa isang damo

na nababalot na manipis na puting papel

nagliliyab sa parteng dulo

at bumubuga ng ligaya.

Isang hithit…

at nilusob na ng usok ang aking katawan

sabay sabog ng matinding ligaya at katuwaan!

Isa pang hithit…

at sumugod sa aking kalooban ang nikotin

na-blanko ang isip ko at binalot ng katahimikan ang aking kinalalagyan.

Ikatlong hithit…

at nag-pista ang polusyon sa aking sistema

sabay nito’y pagdanak ng kalungkutan at ako’y lumuha

Hithit pa ng marami

at sa aking kinauupuan ay naglaro ang mga alaala

ng pagkabata

ng tagumpay

ng pag-aaral

ng pag-awit

ng ngiti…

Hirit pa ng hithit

at nang tinangka kong tumayo ay bumugso ang luha

dumaloy rin ang ilog ng kalungkutan

at tinatahak nito ang hindi ko mawari

at huminto sa gitna ng buhay at kamatayan.

Naupod na ang sigarilyo

Lumabis ang pananabik kong magsindi ulit ng panibago

ngunit habang naglalaho ang usok,

naglalaho rin ang isang kapirasong hininga ng aking sisidlang biyaya.

Habang humihina ang umaalipuyong baga,

humihina rin ang kinauukulan kong pag-asa.

Hanggang sa tapakan ko na ang filter nito sa dumi

ay para ko na ring sinipaan ng abo ang aking pagkatao.

Sigarilyo…

nayari sapagkat kinukuhaan ng kintab;

gayo’t namatay kang walang nagawang silbi,

namatay ka ng mga pangalan at kakakilanlan.

(tulang nasulat tungkol sa buhay ng awtor. try to figure out what this means)

2 comments on “Usok ng Sigarilyo

  1. smokers die u knw. aj, please dnt be chained. please!!

  2. hay nako si bea talaga.. khit kelan usisera.. hahaha:) i love you both… ^.^

Lemme Hear You Say Waaah...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: