1 Comment

kwentuhang kutis

Unang una, marahil ay itinuturing ko nangabiyaya ang pagkakaroon ko ng kulay-katutubo.

Maitim. Brown. Tan.

Kumikintab. Kaakit-akit. Kinaiinggitan ng puti.

Kaya naman ipinagmamalaki ko ang pagiging kayumanggi ko.

Gayunpaman, hindi maiiwasang kainin ng inggit ang ibang mas maliwanag ang kulay ng balat kaysa ng sa akin. Gayo’t wala namang nasusulat na batas na ang mga maiitim ay dukha at alipin, tao lamang ako na mangarap at magnais magkaroon ng kulay ng marangya. Anupaman nga’t wala rin namang napagkasunduang batayan na dapat mapuputi lamang ang may karapatang tawaging maganda ay patuloy pa ring bumabagabag sa isip ko na ang mga nilikhang mapuputi ang maswerteng "chosen ones."

Sinisisi ko ba ang genes na namana ko sa aking mga magulang sa pagiging maitim ko?

Pinaparatangan ko ba ang Diyos sa paglikha nya ng mga taong may kulay na hindi gaanong tanggap ng society?

Hindi naman.

Sapagkat ang itim ay hindi kulay ng dumi.

Marahil ito pa nga ang kulay ng walang hanggang dimensyong pwedeng tahakin. Misteryoso ika nga. Sa mundong ito na puno ng dilim, hindi ako malulusaw sapagkat ito ang aking kapangyarihan. At kung tumambad man ang liwanag ay ako ang maghahari.

Hindi naman ito sumpa e. Nagkulang lang talaga sa mellanin.

At dahil sa kutis rin lang naman ang pinag-uusapan e maarte pala ang balat ko.

Unang-una, namumula ito pag pinag-pawisan.

Kinakati pag sinikatan ng araw.

Umiitim lalo pag pinaputi.

Pero nangingintab pa rin.

Kung ire-reflect ang katangian ng aking balat sa aking buhay … aba’y sakto ang pagkakatugma… SHINY! hahaha

Ü

One comment on “kwentuhang kutis

  1. waaaaaaaaahaha! u kept me entertained, kya 2 pogi points 4u! harhar. hay nko, u made me realze sumthng agen, sumthng personal so shikwet. hehe. niwei, if i were to rate ths blog… i cant. not only aint i gifted with the convincing power (kya nga hndi ako ngsales or commerce eh), im not bolera rn. id jst accuse u of plagiarism! 4 i belv that sumthng ths good is an excerpt from a renowned writer. and ure not a renowed writer are u? nyahahahah! labyu slut! c: btw, post a blog bout me, too. and im sure di lang ako mgcocomment. hahahah. mwah

Lemme Hear You Say Waaah...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: